Pangulong Duterte, sinabihan ang Abu Sayyaf na itigil na ang karahasan

By Justinne Punsalang March 27, 2018 - 03:14 AM

Nanawagan si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) na itigil na ang paghahasik ng karahasan sa Mindanao.

Sa talumpating ibinigay ng pangulo sa Barangay Bangkal, Patikul, Sulu kung saan iprinisenta ang mga miyembro ng ASG na sumuko at nagbaba ng armas, sinabi nito na tigilan na ang pamumugot ng mga ulo ng kanilang mga bihag.

Ayon sa pangulo, walang rason kung bakit kailangang patayin ang biktima ng Abu Sayyaf lalo na kung wala itong maibigay na pera bilang ransom.

Paglilinaw pa ni Duterte, hindi siya galit sa mga miyembro ng ASG at naiintindihan niya ang sitwasyon sa Sulu kung saan pakiramdam ng mga residente doon ay napapabayaan na sila ng pamahalaan kaya sumasali na lamang sila sa mga teroristang grupo.

Nangako rin ang pangulo na upang matupad ang kanyang matagal nang hangarin na mabigyan ng kapayapaan ang mga Moro sa Mindanao ay bibigyan ang mga susukong miyembro ng ASG ng livelihood at skills training, katulad ng ibinibigay sa mga sumusukong miyembro ng New People’s Army.

Ngunit sinabi rin ni Duterte na magpapatuloy ang mga pulis at sundalo sa pagsupil sa mga miyembro ng Abu Sayyaf na mananatili at magpapatuloy sa kanilang paglaban sa pamahalaan.

TAGS: Abu Sayyaf, Rodrigo Duterte, Abu Sayyaf, Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.