3 patay sa pagtaob ng isang truck sa Nueva Ecija

By Len Montaño March 27, 2018 - 02:51 AM

Patay ang tatlo katao kabilang ang isang tatlong taong batang lalaki at sugatan ang labing-tatlo matapos tumaob ang isang trak sa Brgy. Pias sa General Tinio, Nueva Ecija.

Ayon kay Sr. Insp. Adriano Gabrial, Hepe ng General Tinio Police, kakambyo sana ang driver ng truck pero hindi kumagat ang preno.

Dahil dito ay umatras ang sasakyan at tumaob, dahilan ng pagkasawi ng tatlong sakay ng truk na isang six by six Isuzu Van.

Napag-alaman na nasa pagitan ng dalawampu at tatlumpu ang sakay ng truck na papuntang Sitio Cunacon para sa isang pabasa.

Ginamot ang mga sugatan sa ospital sa General Tinio, apat sa mga ito ay nanatili pa rin sa ospital.

Kinasuhan na ng pulisya ang sumukong driver ng truck na si Joel Francia.

TAGS: Nueve Ecija, truck, Nueve Ecija, truck

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.