Termino ni Pangulong Duterte, hindi na pwedeng palawigin

Hindi pwedeng palawigin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang termino kahit magpalit pa ang bansa sa Federal Form of Government sa taong 2022.

Ayon kay dating Chief Justice Reynato Puno, Chairman ng Consultative Committee na inutusan ng pangulo na gumawa ng draft para sa bagong Federal Charter, nahalal si Pangulong Duterte sa ilalim ng 1987 constitution kaya nasa ilalim ito ng term limits ng nasabing saligang batas kahit pa maging pederalismo na ang gobyerno.

Sa taong 2022 aniya ay mayroon ng Federal Form of Government ang Pilipinas na ibig sabihin ay wala ng unitary government.

Tatalakayin pa ng Con-Com ang transitory provision sa pagbabalik ng sesyon sa ikalawang linggo ng Abril pero tiniyak na ni puno na malamig sila na bumuo o payagan ang anumang probisyon na magpapalawig sa termino ng sinumang public official.

Hndi aniya magkakaroon ng holdover provision at sa oras na mapalitan ang porma ng pamahahalaan ay pagbobotohan ang bagong presidente.

Read more...