28 panukalang batas, inaprubahan ng Kamara ngayong taon
Tinatayang nasa 15 panukalang batas ang natalakay ng Kamara kada session day ngayong 17th Congress.
Ayon kay House Deputy Speaker at Batangas Rep. Raneo Abu, simula noong magbukas ang kasalukuyang Kongreso noong July 25, 2006 nasa 2, 673 na mga panukala ang kanilang na proseso.
Sinabi ni Abu na ngayong taon pa lamang ay 28 mga panukala na ang kanilang naaprubahan sa third and final reading.
Kabilang anya sa mga naaprubahang bills ay ang pagpapalakas ng security of tenure ng mga manggagawa pagkakaroon ng full insurance coverage sa mga kwalipikadong CARP beneficiaries, pagpapalakas ng karapatan sa malayang pamamahayag at mapayapang pagkilos.
Kasama rin sa naipasa ng Kamara bago ang kanilang Lenten break ang Absolute Divorce and Dissolution of Marriage Bill, muling pagpapaliban ng Barangay at SK Elections at ang Budget Reform Bill at ang Foreign Decree of Termination of Marriage Bill.
Sa kabuuan, 653 na panukala na ang inaprubahan ng Kamara ngayong 17th Congress kung saan 60 na rito ang ganap ng batas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.