Panukala para sa proper handling ng mga bangkay na biktima ng krimen, pinag-aaralan na ng Kamara

By Erwin Aguilon March 27, 2018 - 02:43 AM

Pinag-aaralan na ng binuong Technical Working Group ng House Committee on Public Order and Safety ang substitute bill para sa maayos na handling ng mga biktima ng krimen.

Ang tamang pangangasiwa sa mga bangkay na isinusulong sa Kamara ay mula sa pagkuha nito sa crime scene, autopsy, documentation at tamang disposal.

Sa naging pagdinig ng komite ni Antipolo Rep. Romeo Acop, sinabi ng dalawang certified pathologist ng bansa na sina Dra. Raquel Fortun at Dra. Ma. Cecilia Lim
na walang ahensya ng pamahalaan ang nangangasiwa ng forensic autopsy.

Sinabi ni Fortun na walang malinaw na sistema kaya hindi rin alam kung sino ang gagawa ng forensic autopsy sa bangkay ng mga crime victims.

Nagdudulot naman para kay Lim ng kalituhan sa sambayanan kung sino ang totoong certified pathologist dahil sa kawalan ng batas.

Pinatotohanan naman ni PNP Crime Labortory Director C/Supt. Debold Sinas na wala talagang malinaw na sistema sa handling at preservation ng mga bangkay na biktima ng krimen.

Sa ngayon, kinukuha lamang ng punerarya na tinawagan ng PNP ang bangkay at ginagawa ang autopsiya kadalasan sa morge ng mga punerarya.

Ang panukala ay kaugnay sa apat na resolusyon na inihain sa Kamara kaugnay sa tamang pangangalaga ng mga bangkay.

TAGS: forensic autopsy, technical working group, forensic autopsy, technical working group

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.