Hepe ng Caloocan City PNP sinibak sa pwesto

By Jong Manlaapaz March 26, 2018 - 07:38 PM

Radyo Inquirer

Kinumpirma ni National Capital Regional Police Office Director Oscar Albayalde na tinanggal sa pwesto si SSupt. Jemar Modequillo bilang chief of police ng Caloocan PNP.

Sinabi ni Albayalde hindi nasosolusyunan ng otoridad ang mga serye ng pamamaril sa lungsod.

Maliban kay Modequillo, sibak rin sa posisyon si Supt. Amante Daro ng Manila Police District Station 11 dahil rin sa hindi masolusyonan na kaso ng patayan at nakawan sa nasusukapan niyag lugar.

Pinakahuli dito ang kaso ng pamamaril sa loob mismo ng isang mall sa Divisoria kung saan isa ang napatay.

Inalis rin sa posisyon si Quezon City Police District Station 10 Commander Police Supt. Christian Dela Cruz, ito ay makaraang personal na makita mismo ni PNP Chief Ronald Dela Rosa ang kanilang maruming police station.

Sinabi ni Albayalde na maraming opisyal pa ang susunod na sisibakin sa posisyon kapag hindi inayos ng mga ito ang kanilang mga trabaho sa kanilang mga lugar na nasasakupan.

TAGS: albayelde, caloocan, dela rosa, modequillo, PNP, albayelde, caloocan, dela rosa, modequillo, PNP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.