Ifugao Cong. Baguilat naghain ng not guilty plea sa kasong katiwalian

By Erwin Aguilon March 26, 2018 - 05:46 PM

Inquirer file photo

Naghain ng not guilty plea sa 5th Division ng Sandiganbayan para sa kasong graft si Ifugao Rep. Teddy Baguilat.

Sa isinagawang conditional arraignment kay Baguilat para payagan na makabyahe abroad sinabi ng mambabatas na not guilty siya sa kaso.

Kasabay nito, pinayagan din ang mambabatas na magtungo sa Berlin, Germany.

Sa kanyang motion to travel abroad hiniling ni Baguilat na magtungo sa nasabing lugar simula April 6 hanggang 15.

Ito ay para study visit program sa Berlin.

Nahaharap ang kongresista sa kasong katiwalian dahil sa sinasabing pagbili ng overpriced na sasakyan na hindi dumaan sa public bidding noong siya sa gobernado ng lalawigan ng Ifugao.

TAGS: berlin, Germany, graft, Ifugao, sandiganbayan, berlin, Germany, graft, Ifugao, sandiganbayan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.