Ibinunyag ng Malacañang na ginagamit na ngayon ang drug money para sa destabilisasyon laban sa administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, ginagamit na kasangkapan ng mga drug lord ang mga non-government organizations para harangin ang mga programa ng gobyeno.
Iginiit pa ni Roque na lubha nang mapanira at wala nang humpay ang pag-atake ng mga kritiko lalo na ang mga human rights group sa war on drugs ng pangulo.
Ginagatungan aniya ng mga durg lord ang mga NGOs dahil bilyung bilyong piso na ang nawala sa kanilang negosyo simula nang magsisuko ang halos isang milyong drug users at pagkakadiskubre ng mga drug laboratories.
Hindi aniya malayo na gawin ng mga drug lord ang lahat ng mga pamamaraan para idiskaril lamang ang kasalukuyang administrasyon.
Sa kabila nito, sinabi naman ng Malacañang na tuloy pa rin ang mga anti-illegal drugs operation ng pamahalaan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.