Customs Commissioner Isidro Lapeña, kinumpirma na natagpuan na ang ilang container van na ipinuslit mula sa Port of Manila

By Mark Makalalad March 26, 2018 - 12:46 PM

Natagpuan na ang ilang mga container van na napaulat na ipinuslit mula sa Port of Manila.

Ayon kay Bureau of Customs Commissioner Isidro lapeña, magkakaroon ng viewing sa Meycayayan Bulacan, kaugnay ng natagpuan ng mga nawawalang mg container ban.

Bagaman limitado lang ang ibinigay na impormasyon, sinabi ng opisysal na hindi umano droga mula China ang nilalaman na mahigit 100 container, kundi pawang mga porselana.

Sinabi rin ni Lapeña na maliban sa mahigit 100 nawawalang container van, na kanya ring inaalam na may nawawala pang nasa 140 container mula naman sa Manila International Container Port.

Sa inisyal na impormasyon, natuklasan lamang noong March 17 ang pagkakapuslit ng mga container van mula sa Port of Manila sa pamamagitan ng pamemeke umano ng pirma sa ilang opisyal ng Customs.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: bureau of customs, missing container van, Radyo Inquirer, bureau of customs, missing container van, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.