Magulang ng mga sumukong Aegis Juris members, umapelang panatilihin sa NBI ang kostodiya ng kanilang mga anak

By Donabelle Dominguez-Cargullo March 26, 2018 - 12:40 PM

Lumiham sa National Bureau of Investigation ang mga magulang ng 10 miyembro ng Aegis Juris fraternity na pawang akusado sa pagkamatay ng hazing victim na si Horacio “Atio” Castillo III.

Ito ay para hilingin sa ahensya na panatilihin sa kanilang kostodiya sina Arvin Balag, Mhin Wei Chan, Axel Munro Hipe, Oliver John Audrey Onofre, Joshua Joriel Macabali, Ralph Trangia, Robin Ramos, Jose Miguel Salamat, Danielle hans Matthew Rodrigo at Macelino Bagtang.

Ayaw ng magulang ng mga sumukong akusado na mailipat ang mga ito sa kostodiya ng Manila Police District (MPD).

Anila, hindi magiging ligtas ang kanilang mga anak kapag sila ay nailipat sa MPD.

Ito ay dahil ang MPD umano ang isa sa mga complainants sa kaso.

Hiniling din ng mga magulang sa NBI na ipabatid sa Manila Regional Trial Court ang kanilang pagtutol na mailipat sa MPD ang kanilang mga anak.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: aegis juris fraternity, horacio castillo, Radyo Inquirer, aegis juris fraternity, horacio castillo, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.