Health Sec. Garin, hindi kakandidatong senador

 

Inquirer file photo

Walang balak si Health Secretary Janet Garin na tumakbong senador ng bansa sa 2016 elections.

Sa budget hearing sa Senado, sinabi ni Garin na hindi siya inalok ng Partido Liberal para maging bahagi ng kanilang senatorial line-up.

Paliwanag ng kalihim, kung mayroon mang naglabasang advertisement sa telebisyon, ito ay para ipabatid lamang sa publiko ang pangangalaga sa kalusugan ng tao.

Sinabi pa ni Garin na sa ngayon ay patuloy siyang maglilingkod bilang kalihim ng DOH.

Wala aniya siyang balak na iwan ang puwesto hangga’t hindi hinihiling ng Pangulong Benigno Aquino III.

Read more...