Naiakyat na ngayong araw ng Lunes ng Metro Rail Transit (MRT) Line-3 sa labingtatlo ang kanilang running train matapos kapusin ang bumibiyaheng tren noong Pebrero dahil sa madalas na pagkasira bunsod ng kakulangan sa pamalit na spare parts.
Sa pagsisimula pa lamang ng operasyon ng MRT, dakong alas 6:00 ng umaga, sinabi ng pamunuan na aabot sa labingdalawang tren ang agad nilang napabiyahe.
Makalipas ang ilang sandali pa, nakapagdagdag ng isa pang tren kaya umabot sa labingtatlo ang running train ng MRT-3.
Pero dahil nakapagtala ng aberya pasado alas 8:00 ng umaga ay muling bumalik sa labingdalawa ang bilang ng running trains sa buong linya ng MRT-3.
Una nang sinabi ng MRT-3 na target nila na sa pagtatapos ng kanilang maintenance ngayong Holy Week ay mapapaabot nila sa labinglima ang bumibiyaheng mga tren.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.