Natanggap na lahat ng Philippine Navy ang tatlong trainer aircraft na ibinigay sa bansa ng Japan.
Base sa unang kasunduan, ang tatlong Beechcraft TC-90 trainer aircraft ay rerentahan ng Pilipinas sa Japan sa halagang $28,000 kada taon sa loob ng limang taon.
Pero kalaunan nagpasya an bansang Japan na i-donate na lamang ito sa Pilipinas.
Isinagawa ang pormal na donasyon sa Sangley Point sa Cavite, Lunes ng umaga sa pangunguna ni Defense Secretary Delfin Lorenzana at Japanese Ambassador Koji Haneda.
Sa kabuuan, limang trainer aircraft na ang natanggap ng Pilipinas mula sa Japan dahil ang unang dalawa ay naibigay na noong Marso ng nakaraang taon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.