LOOK: Security Bank may system maintenance sa March 29 at 30

Inabisuhan ng Security Bank ang kanilang mga customer hinggil sa isasagawa nilang system maintenance sa loob ng dalawang araw o mula March 29 hanggang 30, 2018.

Sa inilabas na advisory, mula alas 10:00 ng gabi ng March 29 (Huwebes) hanggang alas 4:00 ng umaga ng March 30 (Biyernes) limitado o hindi magiging available ang sumusunod serbisyo ng Security Bank:

– No Interbank Fun Transfer
– Limited Cash Withdrawals on ATMS
– Limited use of debit and ATM cards for online / store purchase

Mula naman alas 4:00 ng umaga hanggang alas 10:00 ng umaga ng March 30 (Biyernes) hindi naman accessible ang sumusunod na serbisyo:

– Security Bank ATM sa buong bansa
– Debit card at ATM Cards online / store purchase o withdrawals
– Online, Phone and Mobile Banking, personal man o business banking
– Interbank Fund Transfer

Tiniyak naman ng Security Bank na agad ibabalik sa normal ang serbisyo matapos ang system maintenance.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...