SAP Bong Go, hiniling sa mga kabataan na umiwas sa paggamit sa iligal na droga
Hinihikayat ni Special Assistant to the President Christopher ‘Bong’ Go ang mga kabataan na umiwas sa iligal na droga.
Sa paglulunsad kahapon ng 3-pointer ng bayan ng ‘Ready Set Go Movement’, sinabi ni Go na mas makabubuting malulong na lamang ang mga kabataan sa sports kaysa sa mga ipinagbabawal na gamot.
Ang 3-pointer ng bayan ay adbokasiya ng ‘Ready Set Go’ movement na “supalpal ang droga, krimen at korapsyon sa 113 na lungsod sa buong bansa.
Kasabay nito hinimok ni Go ang mga kabataan na suportahan ang anti-illegal drug campaign ni Pangulong Duterte.
Una nang inihayag ng pangulo na suportado niya ang kandidatura ni Go sa pagka-senador sa 2019 elections.
Pero ayon kay Go, hindi pa niya iniisip ang pulitika at nakatutok pa siya sa kanyang trabao bilang Special Assistant ng Pangulong Duterte.
Sa naturang event nagpakitang gilas naman si Go ng kanyang husay sa 3-point shootout.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.