Biyahe ng MRT nagka-aberya, 580 na mga pasahero ang pinababa sa tren

By Jong Manlapaz March 26, 2018 - 10:04 AM

Pinababa ang aabot sa 580 pasahero ng Metro Rail Transit makaraang makaranas ng aberya sa biyahe nito ngayong Lunes ng umaga.

Sa abiso ng pamunuan ng MRT-3 naganap ang aberya sa Araneta Center Cubao Station alas 8:29 ng umaga.

Ayon kay Aly Narvaez, media relations officer ng MRT-3, problema sa signalling o automatic train proteciton (ATP) ang naranasan.

Dahil dito, pinababa sa Cubao ang mga pasahero ng nagkaproblemang tren at pinalipat sa kasunod na tren.

Ngayong umaga, nasa 12 tren ng MRT ang bumibiyahe o operational.

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Cubao station, MRT, Radyo Inquirer, Cubao station, MRT, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.