230,000 na mga motorista ang bibiyahe sa NLEX ngayong Holy Week
Mahigit 230,000 na mga sasakyan ang inaasahang babagtas sa North Luzon Expressway ngayong Holy Week.
Ayon kay NLEX traffic supervisor Rodney Sevilla, normal pa naman ang naging sitwasyon sa NLEX mula noong Linggo hanggang ngayong Lunes ng umaga.
Sinabi ni Sevilla na simula sa Miyerkules inaasahan na ang pagdagsa ng mga motorista na bibiyahe sa NLEX hanggang sa umaga ng Huwebes.
Dahil dito, nagpa-abiso na ang pamunuan ng NLEX sa mga motorista na asahan na ang pagsisikip ng daloy ng traffic sa northbound sa Miyerkules Santo at Huwebes Santo.
Ayon kay Sevilla, maglalagay sila ng dagdag na tellers sa Balintawak at Mindanao Tollgates para sa nasabing mga araw.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.