Special Investigation Team sisiyasatin ang kaso ng pambubugbog sa 6 na bagong PNPA graduates

By Mark Makalalad March 26, 2018 - 09:35 AM

FILE PHOTO

Bumuo ng special investigation team ang liderato ng Philippine National Police Academy para mag-imbestiga sa kaso ng pambubugbog sa 6 na bago nilang graduates.

Ayon kay PNPA Director Csupt John Adnol, aalamin ng investigating team kung nagkaroon ng administrative violations na grounds for expulsion ang mga “cadets of interest” bilang bahagi ng due process.

Sa ngayon, nasa 41 ang raw ang “cadets of interest” ang tinitignan nila at ang mga ito raw ay kasalukuyan nang confined sa barracks.

Mga 3rd year na aniya ang mga kadeteng ito at kabilang sa next batch ng gra-graduate sa PNPA.

Hinala ni Adnol na personal na galit ang motibo sa insidente dahil ang 6 na bagong graduate ay sinasabing naging sobrang strikto sa violations ng kanilang mga underclassmen.

Kasalukuyan pa aniyang kinukuha ng investigation team ang mga pahayag ng mga kadete at inaalam pa ang mga pangalan ng mga kadeteng nakilahok sa pambubugbog.

 

 

 

 

 

 

TAGS: Camp Crame, PNP, PNPA, Radyo Inquirer, six graduates, Camp Crame, PNP, PNPA, Radyo Inquirer, six graduates

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.