Humihirit ang Palasyo ng Malakanyang sa Department of Transportation (DOTr) na hindi lang ang nga colorum na bus ang tutukan kundi maging ang mga colorum at mga oversized na motorized banca.
Ayon kay Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar, hindi maikakaila na dagsa ang mga pasahero ngayong Semana Santa.
Sinabi pa ni Andanar na ginagamit ang mga motorized banca o lantsa na bilang mga pampublikong sasakyan sa mga lalawigan.
Ayon kay Sec. Andanar, kung mayroong mga colorum na sasakyan, mayroon din aniyang mga motorized banca na iligal na pumapasada at overloaded pa kung magsakay ng mga pasahero na sanhi ng disgrasya o paglubog ng bangka.
Tiniyak naman ni Transportation Secretary Artur Tugade na tutugunan ng kanilang hanay ang panawagan ng Palasyo ng Malakanyang.