Biyahe ng PNR, naantala; mga pasahero, pinababa sa Biñan

By Mark Makalalad March 26, 2018 - 09:25 AM

Inquirer.net File

Bahagyang naantala ang biyahe ng PNR kaninang alas-5:40 ng umaga.

Ayon kay Joseine Geronimo, Spokesperson ng PNR, galing Mamatid, Laguna ang tren at bumabiyahe papuntang Tutuban nang pagdating sa Biñan ay biglang hindi bumukas ang tatlong pinto nito.

Tinatayang nasa 180 pasahero ang apektado at agad pinababa makalipas ang ilang minuto.

Ang iba sa kanila, lumipat na lang sa kasunod na tren habang ang iba naman ay naghanap na lang ng ibang masasakyan lalo’t rush hour pa ng Lunes.

Humingi naman ng paumanhin ang pamunuan ng PNR sa mga naabala.

Sa ngayon, nasa Alabang ang tren na may depekto at kasalukuyang ginagawa.

 

 

 

 

 

TAGS: Biñan, laguna, PNR, Radyo Inquirer, Train, Biñan, laguna, PNR, Radyo Inquirer, Train

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.