Mula alas 10:00 ng umaga hanggang alas 3:00 ng hapon mamaya maaapektuhan ng power interruption ang bahagi ng Barangay Parang partikular sa Sevilla Street mula Herbosa Street hanggang Paraiso at Rajah Matanda, gayundin ang bahagi ng Nara Street hanggang Aquarius Street sa La Consolacion Subdivision.
Sa lalawigan naman ng Rizal, may saglit na power interruption na makaaapekto sa maraming lugar sa Antipolo City, Baras, Morong at Tanay.
Gayundin ang maraming lugar sa Barangay Pinugay sa Baras, at Barangay May-iba at Lagundi sa Morong.
Alas 11:30 naman ng gabi hanggang alas 11:59 ng gabi mamaya ang power interruption sa maraming lugar sa mga Barangay Bagong Nayon, Mayamot at Sta. Cruz sa Antipolo City pa rin.
Habang mas mahaba ang power interruption sa iba pang bahagi ng Barangay Bagong Nayon, ilang lugar sa Barangay Dela Paz at Inarawan, Mayamot at Sta. Cruz sa Antipolo mula alas 11:30 ng gabi mamaya hanggang alas 5:30 ng umaga bukas.