Tropical Storm “Jelawat” papasok sa bansa ngayong araw o bukas

By Donabelle Dominguez-Cargullo March 26, 2018 - 06:26 AM

Isang bagyo ang binabantayan ng PAGASA na nasa labas pa ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Ang nasabing bagyo na ngayon ay nasa tropical storm category na at mayroong international name na “Jelawat” ay huling namataan sa 1,320 kilometers East ng Hinatuan sa Surigao Del Sur.

Taglay ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 65 kilometers bawat oras at pagbugsong aabot sa 80 kilometers bawat oras.

Kumikilos ang bagyo sa bilis na 23 kilometers bawat oras sa direksyong West North West.

Kung hindi mababago ang direksyon nito, sinabi ng PAGASA na papasok ito sa bansa ngayong araw o gabi at papangalanang “Caloy”.

Sa ngayon apektado na ng extension ng nasabing bagyo ang Eastern Visayas.

Samantala, apektado pa rin ng northeast monsoon o amihan ang buong Luzon.

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Pagasa, Radyo Inquirer, Tropical Storm Jelawat, weather, Pagasa, Radyo Inquirer, Tropical Storm Jelawat, weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.