Kris umamin, nanonood din ng “AlDub”

By Jen Cruz-Pastrana October 06, 2015 - 08:37 PM

aldub-eat-bulaga
Inquirer file photo

Marami ang natuwa sa pagiging honest ng Queen of all Media na si Kris Aquino nang tanungin siya ng isa sa mga milyung-milyon niyang follower sa twitter kung nanonood din siya ng Kalye Serye ng Eat Bulaga.

Ang sagot ni Kris… apat na beses na raw niyang napanood ang “AlDub” o ang tambalan nila Alden Richards at Maine Mendoza na kilala rin sa tawag na Yaya Dub sa nangungunang segment ng naturang noon-time show.

Noong una ay naintriga daw siya sa nasabing loveteam hanggang sa naulit pa ng ilang beses ang kanyang curiosity.

Ayon sa presidential sister, na-meet na rin niya in-person si Yaya Dub sa isang event kung saan ay ginaya pa niya sa pamamagitan ng dubsmash ang queen of all media.

Inamin din ni Kris na 2013 pa ay kilala na niya si Alden dahil crush din ito ng kanilang kasambahay at deserving din daw ang young actor sa lahat ng mga biyayang tinatamasa niya sa kasalukuyan.

Pero paglilinaw ni Kris, super love at hindi niya ipagpapalit ang kanyang kaibigan na si Vice-Ganda na isa sa mga mainstay ng katapat ng Eat Bulaga na “It’s Showtime”.

TAGS: ALden Richards, AlDub, eat bulaga, It's Showtime, Kris Aquino, Maine Mendoza, ALden Richards, AlDub, eat bulaga, It's Showtime, Kris Aquino, Maine Mendoza

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.