Silangang bahagi ng bansa, posibleng ulanin dahil sa bagyo sa labas ng PAR

By Rhommel Balasbas March 26, 2018 - 03:21 AM

 

Mula sa pagasa

Inaasahang uulanin ang eastern section ng bansa ngayong Holy Week bunsod ng bagyo na kasalukuyan pang nasa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Ayon sa pinakahuling weather advisory ng PAGASA, namataan ang sama ng panahon sa layong 1,560 kilometers sa Silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur.

Taglay ng tropical depression ang hanging may lakas na 65 kilometer per hour malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 80 kilometers per hour.

Kumikilos ito pa kanluran-hilagang kanluran sa bilis na 23 kilometro kada oras.

Sakaling makapasok na sa PAR ay papangalanan itong ‘Caloy’.

Inaasahang mula sa pagiging ‘tropical depression’ ay aabot ito sa Typhoon category.

Gayunman, batay sa pagtaya ng weather bureau ay hindi ito tatami sa kalupaan at inaasahang lilihis o magre-‘recurve’ pa-hilaga tungong Japan.

Gayunman, makakaapekto ang extension o ‘trough’ ng tropical depression at magdadala ng mahihinang pag-ulan partikular sa Kabikulan, silangang Visayas at silangang Mindanao.

Magiging maalon din ang mga karagatan sa eastern seaboards ng bansa.

Ang Metro Manila at ang nalalabing bahagi ng bansa ay makararanas lamang ng ‘generally fair weather’.

Inaasahang lalabas ng PAR ang bagyo sa Huwebes.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.