Facebook founder Mark Zuckerberg, nag-sorry dahil sa ‘data scandal’

By Jay Dones March 26, 2018 - 02:09 AM

 

Humingi na ng paumanhin sa publiko ang founder ng Facebook na si Mark Zuckerberg dahil sa data scandal na kinasasangkutan nito.

Sa pamamagitan ng mga full-page advertisements na inilathala sa mga pahayagan sa Estados Unidos at United Kingdom, nagpaliwanag si Zuckerberg sa nangyaring ‘breach of trust’ na kinasasangkutan ng data firm na Cambridge Analytica.

Sa naturang mga advertisement, nag-sorry si Zuckerberg dahil sa mga pangyayari at nangakong gagawa ng mga kaukulang hakbang upang hindi na maulit ang insidente.

Matatandaang nasasangkot ngayon sa kontrobersiya ang Facebook matapos madiskubreng nagawang makuha ng data firm na Cambridge Analytica ang user profiles ng nasa 50 milyong users ng Facebook noong 2014.

Ang naturang mga profile ang naging target naman ng mga political ads upang manipulahin ang US presidential elections noong 2016.

Dahil sa eskandalo, bumagsak ng higit $50 bilyong dolyar ang halaga ng Facebook noong nakaraang linggo.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.