Ilang pasahero , stranded dahil sa kanselasyon ng byahe ng Dimple Star

By Jay Dones March 26, 2018 - 01:27 AM

 

Dahil sa kanselasyon ng mga biyahe ng mga Dimple Star bus, maraming mga pasahero ang na-stranded sa bayan ng Mamburao, Occidental Mindoro at ilan pang mga bayan sa lalawigan kahapon, araw ng Linggo.

Ang kanselasyon ng biyahe ng Dimple Star ay resulta ng aksidenteng kinasangkutan ng isa sa mga bus nito noong nakaraang linggo na ikinamatay ng 19 na pasahero.

Bagama’t may ilan pang mga bus na bumibiyahe sa lalawigan, sadyang dumagsa ang mga pasahero dahil sa panahon ng Semana Santa at bakasyon ng mga estudyante.

Dahil sa maraming naapektuhang pasahero, ilang lokal na pamahalaan ang gumawa ng paraan upang makahanap ng alternatibong masasakyan ang mga commuter.

Ang lokal na pamahalaan ng Sablayan ay nagpalabas ng isang truck na nagsakay ng hindi bababa sa 40 stranded na pasahero na patungo sa ilan pang mga bayan sa lalawigan.

Bukod dito, ilang van at truck rin ng ilan pang LGU ang pansamantalang idineploy sa mga lansangan upang makatulong sa mga naapektuhan ng kanselasyon ng biyahe ng Dimple Star.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.