Anak ng ex-mayor, live-in partner natagpuang patay sa Bataan

By Jay Dones March 26, 2018 - 01:04 AM

 

Patay na nang makarating sa ospital ang anak ng isang dating mayor ng bayan ng Hermosa, Bataan samantalang natagpuan ring wala nang buhay ang maybahay nito sa isa pang bahay na pag-aari rin ng mag-asawa sa naturang bayan.

Dead on arrival sa pagamutan ang biktimang si Dr. Christian Cruz, 39-anyos, anak ni dating Hermosa Mayor Efren J. Cruz., Sabado ng hapon.

Natagpuan ang nakababatang Cruz sa loob ng kanilang tahanan sa Bgy. Palihan ng kanya mismong ama na nagsugod dito sa ospital.

Matapos ito, natagpuan rin ang naagnas nang labi ng live-in partner ng kanyang anak na si Larlyn Belleza, 31-anyos sa bahay naman ng mag-asawa sa Bgy. Mambog.

Sa kasalukuyan, nagpapatuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad upang matukoy kung may foul play sa pagkamatay ng dalawa.

Gayunman, ayon sa ilang imbestigador, may nakitang mga reseta at gamot tulad ng sleeping pills sa kuwarto ni Belleza.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.