Senado hindi na makabuo ng quorum

Inquirer file photo
inquirer file photo

Aminado si Senate President Franklin Drilon na nahihirapan na ang senado na makabuo ng quorum dahil marami sa mga senador ang kakandidato sa mas mataas na posisyon sa 2016 elections.

Paliwanag ni drilon, lima  sa mga senador ang kakandidato sa pagka bise -presidente at isa sa pagka-pangulo.

Ito ay sina Senators Chiz Escudero, Alan Peter Cayetano, Antonio Trillanes IV, Ferdinand “Bongbong Marcos Jr., Gringo Honasan at  si Grace Poe.

Bukod sa limang kandidato, anim din aniya sa mga senador ang pawang mga re-electionists habang dalawa sa mga senador ang nananatili sa kulungan at isa ang naka medical leave.

Paliwanag ni Drilon, abala na ang mga kakandidato sa pagbisita o pangangampanya sa ibat ibang bahagi ng bansa.

Bagamat nahihirapan sa quorum, sinabi ni Drilon na pinipilit pa rin ng senado na gampanan ang kanilang tungkulin.

Aminado ang Pangulo ng Senado na mahirap na ring maipasa ang Bangsamoro Basic Law sa mga nalalabing araw ng sesyon bago mag recess ang senado para bigyang daan ang filing ng Certificate of Candidacy  simula sa lunes.

Hindi na rin aniya nagpapakita sa mga sesyon si Martcos  na siyang principal sponsor ng panukala.

Positibo naman si Drilon na matatapos ng Senado ang BBL sa buwan ng Disyembre.

Read more...