17 naospital dahil sa pancit sa Gensan

 

Isinugod sa pagamutan ang labimpito katao matapos makaranas ng pagsusuka at pananakit ng tiyan dahil sa kinang pansit bam-i sa General Santos City.

Ginagamot pa ngayon ang mga biktima sa Dr. Jeorge Royeta hospital ang karamihan sa mga biktima.

Nabatid na nakipaglibing ang mga biktima sa namatay na kaanak sa Zone 6 Barangay Fatima at pinakain ng pansit bam-i.

Gayunman, isa-isa nang nakaranas ng pananakit ng tiyan at pagsusuka ang mga biktima.

Kabilang sa mga isinugod sa ospital ang tatlong taong gulang na bata at ang pinakamatanda ay nag eedad ng limampung taong gulang.

Read more...