LPA sa labas ng PAR, ganap na bagyo na

By Chona Yu March 25, 2018 - 01:10 PM

Ganap nang isang bagyo ang Low Pressure Area (LPA) na binabantayan ng PAGASA na nasa labas pa ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Pero ayon kay Ariel roJas, weather forecaster ng PAGASA, maaring bukas pa o sa Martes papasok ang bagyo.

Ayon kay Rojas, kapag pumasok ang bagyo sa Pilipinas, tatawagin itong Bagyong Caloy.

Maari aniyang hindi mag landfall ang bagyo kung hindi magbabago ng direksyon.

Alas diyes kaninang umaga, namataan ang sentro ng bagyo 1, 740 kilometers East ng Hinatuan, Surigao del Sur.

Taglay ng bagyo ang hangin na nasa 55 kilometers per hour at may pagbugso na 55 kilometers per hour.

Payo ng PAGASA sa publiko, mag-ingat ngayong Semana Santa dahil sa lagay ng panahon.

Ayon kay Rojas, maaring gumanda na ang lagay ng panahon pagsapit ng Huwebes Santo at Biyernes Santo.

TAGS: LPA, Pagasa, PAR, LPA, Pagasa, PAR

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.