Mga resorts sa Ilocos region, naglunsad ng clean up
Aabot sa 300 beach resort owners, mga miyembro ng mga civic groups at mga lokal na opisyal ng apat na lalawigan sa rehiyon ng Ilocos ang nagkasundo na linisin ang kanilang mga waterfronts at paigitingin ang kanilang mga environmental codes.
Kasunod ito ng palanong pagpapasara sa isla ng Boracay ng anim na buwan dahil sa paglabas sa mga environmental laws.
Una ng nagbigay babala ang Regional Director ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na si Reynulfo Juan sa mga negosyante, mga opisyal at iba pang may kinalaman sa turismo na sa rehiyon.
Ang naturang babala ay kaugnay ng naging pagbisita ni Environment Secretary Roy Cimatu sa Pagudpud sa Ilocos Norte na kung napansin nito na ilan sa mga beach resorts ay umaabot na sa no-build zone/
Dagdag pa ni Juan ay paglabag din sa mga bayan ng San Fabian at Bolinao sa Pangasinan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.