LPA na binabantayan ng PAGASA, inaasahang papasok ng PAR bukas

By Rhommel Balasbas March 25, 2018 - 06:09 AM

Posibleng pumasok na sa Philippine Area of Responsibility ang low-pressure area o LPA na binabantayan ng PAGASA, bukas, araw ng Lunes, March 26.

Ayon sa PAGASA, wala pa itong direktang epekto sa bansa ngayon at batay sa forecast track hindi rin maglalandfall sa kahit anong bahagi ng kalupaan.

Sakalin maging ganap na tropical depression, tatawagin itong ‘Caloy’.

Samantala patuloy ang pag-iral ng northeast monsoon o hanging amihan sa Luzon habang nakakaapekto pa rin ang tail-end of a cold front sa eastern section ng Eastern Visayas.

Dahil sa tail-end of a cold front ay magkararanas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-uulan ang Eastern at Central Visayas, Northern Mindanao at Caraga.

Posible ang flashfloods at landslides sa mga nasabing lugar.

Ang Cordillera Administrative Region, Cagayan Valley Region, Bicol Region at mga lalawigan ng Aurora at Quezon ay makararanas ng maulap na kalangitan na mag pulo-pulong pag-ulan bunsod ng hanging amihan.

Bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan ang mararanasan sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng Luzon.

Ang natitirang bahagi ng bansa ay may bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan at makararanas lamang ng localized thunderstorms pagdating ng hapon o gabi.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.