Coney Reyes, ibinahagi ang kalungkutan sa pagpanaw ng kanyang ‘showbiz Nanay’ na si Mely Tagasa

By Rhommel Balasbas March 25, 2018 - 12:20 AM

Hindi maisantabi ng aktres na si Coney Reyes ang kanyang kalungkutan sa pagpanaw ng beteranong aktres na si Mely Tagasa.

Pumanaw na sa edad na 82 si Tagasa na na-comatose matapos ma-stroke.

Sa Instagram, ibinahagi ni Coney Reyes ang kanyang farewell message at pasasalamat sa yumaong aktres dahil sa anya’y pagsama nito sa pinakamalulungkot na bahagi ng kanyang buhay.

Si Mely Tagasa ay kilala bilang si Miss Tapia, isang ‘terror professor’ sa Wanbol University sa palabas na Iskul Bukol.

Nakasama siya ni Reyes sa nasabing programa.

Dito rin nabuo ang relasyon sa pagitan nina Reyes at Vic Sotto at nagbunga ng anak nilang si Vico.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.