DLSU, nasungkit ang pwesto sa Final Four ng UAAP Season 80 Women’s Volleyball Cup
Sigurado nang pasok ang La Salle sa final four ng UAAP Season 80 women’s volleyball tournament.
It ay matapos talunin ng Lady Spikers ang University of the East sa scores na 25-8, 25-14, 25-12 sa kanilang laban kahapon sa Filoil Flying V Centre.
Napagtibay ng Lady Spikers ang kanilang standing sa 9-2 habang inilaglag na sa torneo ang Lady Warriors sa 2-9 win loss record.
Bagaman muling nakapasok sa final four, ay hindi pa rin nagpapakampante si DLSU head coach Ramil De Jesus.
Anya, mas mahalaga para sa kanila kung sino ang kanilang makakalaban sa susunod at ang manalo sa mga koponan na una nang nakatalo sa kanila sa unang bahagi ng season.
Nakatikim ng talo ang Lady Spikers kontra Adamson University at National University.
Nanguna para sa La Salle sina reigning MVP Mary Joy Baron na may 13 points at Kianna Dy na may 11 points.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.