Marawi residents papayagang makabisita sa kanilang mga bahay sa Abril
Inanunsyo ng isang opisyal mula sa Task Force Bangon Marawi na papayagang makabisita ilang mga residente sa kanilang mga bahay sa loob ng most affected area (MAA) sa lungsod.
Ayon kay Housing Assistant Secretary Felix Castro Jr. Field Office Manager ng Task Force Bangon Marawi, ito ay upang bigyan ng pagkakataon ang mga residente na makuha ang kanilang mga gamit bilang paghahanda sa isasagawang rehabilitasyon.
Ani Castro, hahatiin ang mga residente sa tatlong batch at papayagang makabisita sa kanilang mga bahay mula April 1 hanggang April 7 mula alas-6 ng umaga hanggang alas-3 ng hapon.
Tiniyak din ng opisyal na makatatanggap ng tulong pinansyal ang Marawi residents sakaling maisaayos na ang listahan ng kanilang mga pangalan at eksaktong bilang.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.