Pagbibitiw sa DOJ ni Sec. De Lima magiging epektibo lamang kapag tinanggap na ni Pangulong Aquino.
Ito ang nilinaw ni De Lima tungkol sa kanyang resignation letter na aniya, bukas pa lamang ihahain.
Ang resignation ni De Lima ay may kaugnayan sa kanyang planong pagtakbo sa pagkasenador sa halalan 2016.
Pero paglilinaw pa ng kalihim na ang kanyang pagbibitiw ay sa Lunes pa, Oktubre 12 magiging epektibo.
Ito rin ang petsa ng unang araw ng pagsusumite ng Certificate of Candidacy.
Gayunman sinabi rin ng kalihim na hindi magiging epektibo ang kanyang resignation kung hindi tatanggapin ng Presidente.
Nilinaw din nito na bagaman siya ay magbibitiw na ay hindi naman nangangahulugan na hindi na siya makikita sa DOJ.
Bibisita pa rin aniya siya sa ahensiya dahil may mga aayusin pa siyang mga gamit, clearance, at mga dokumento.