Magnitude 5.2 na lindol naitala sa Burgos, Surigao Del Norte

By Rhommel Balasbas March 24, 2018 - 11:01 PM

Niyanig ng magnitude 5.2 na lindol ang Surigao del Norte alas-6:34 ng gabi ng Sabado.

Base sa advisory na inilabas ng Phivolcs, ang episentro ng lindol ay naitala sa layong 13 kilometro sa Silangan ng bayan ng Burgos.

Tectonic ang dahilan ng lindol at may lalim itong 21 kilometro.

Naitala ang Intensity II at Instrumental Intsentiy III sa Surigao City.

Inaasahan ang mga kasunod pang pagyanig o aftershocks ngunit wala namang inaasahang pagkasira sa mga ari-arian.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.