Malacañang: Makiisa sa Earth Hour 2018

By Mark Makalalad March 24, 2018 - 07:00 PM

Hinikayat ng Malakanyang ang publiko na makiisa sa Earth hour 2018 sa pamamagitan ng boluntaryong pag-switch off ng lahat ng ilaw para sa loob ng isang oras mula alas-8:30 hanggang 9:30 ng gabi.

Layunin nito na maipakita ng sambayanang Pilipino sa buong mundo ang pagkakaisa upang labanan ang climate change.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, malaki ang ang pagpapahalaga ng Pangulo sa kalikasan at sa katunayan nga aniya ay isa ito sa mga prayoridad na nabanggit niya sa State of the Nation Address.

Dagdag pa ni Roque, ang Pilipinas ay apektado ng nagbabagong klima at tumaas na temperatura kaya mahalaga na magkaroon ng awareness sa naturang kampanya.

Ang Earth Hour ay isang malakawang pagkilos ng World Wide Fund upang pag-isahin ang lahat na gumawa ng hakbang para sa ikabubuti ng planeta.

TAGS: climate change, Earth Hour, environment, Malacañang, climate change, Earth Hour, environment, Malacañang

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.