PNP, walang namo-monitor na banta sa Semana Santa

By Marilyn Montaño March 24, 2018 - 06:23 PM

Walang namomonitor ang mga otoridad na partikular na banta sa Semana Santa.

Ayon kay Presidential spokesman Harry Roque, sa kabila nito ay hindi magpapa-kampante ang mga otoridad at magpapatupad ng security measures sa mga pampublikong lugar.

Inaasahan ng Malacañang ang dagsa ng mga tao habang papalapit ang Holy Week.

Dahil dito ay may dagdag na mga otoridad para tiyakin na ligtas ang mga transport terminal, simbahan, mall at ibang public recreation areas.

Nanawagan naman si Roque sa publiko ng suporta at kooperasyon sa pinaigting na seguridad ngayong kuwaresma.

Dapat aniyang makipagtulungan ang mga tao sa safety check, security checkpoint at pagsunod sa batas trapiko.

Agad aniyang i-report ang kahina-hinalang tao at naiwang bagay dahil kung magtutulungan ang bawat isa ay magkakaroon anya ng solemn at payapang Holy Week.

TAGS: Holy Week, Malacañang, PNP, Pulis, Semana Santa, Threat, Holy Week, Malacañang, PNP, Pulis, Semana Santa, Threat

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.