Nadiskaril na tren ng PNR sa Paco Station, naialis na

Balik-normal na ang biyahe ng Philippine National Railways (PNR) matapos madiskaril ang isa sa mga tren nito kaninang 2:05 ng hapon.

Bandang 3:37 ng hapon ng matanggal ang nadiskraril ng tren at dakong 4:06 ng hapon ay ng bumalik sa normal ang biyahe ng PNR.

Sa panayam ng Radyo Inquirer kay Department Manager for Operations Joseline Geronimo, nadiskaril ang unang bagon ng nasabing tren malapit sa Paco Station Southbound.

Aniya, aabot sa 400 pasahero ang kinailangan pababain dahil sa insidente na agad namang inasistehan ng mga tauhan ng PNR.

Wala namang naitalang nasugatan sa insidente.

Read more...