Informal settlers sa Corong Corong Bay sa El Nido, pinaaalis na
By Rohanisa Abbas March 24, 2018 - 04:51 PM
Isinusulong ng Department of Environment and Natural Resources ang paglilipat sa informal settlers na nakatira sa mga baybayin ng sikat na tourist destination na El Nido, Palawan.
Ipinahayag ni DENR Secretary Roy Cimatu na naglabas na ang lokal na pamahalaan ng El Nido ng final notice sa 24 pamilya na nagtayo ng tirahan sa Corong Corong Bay. Ayon sa DENR, walang mga palikuran ang mga tirahan sa lugar at direkta sa dagat ang mga basura ng mga residente. Sinabi ni Cimatu na malaki ang nagiging epekto ng kanilang aktibidad sa kalidad ng tubig. Maliban dito, ayon kay Cimatu, nasa easement zone na ang informal settlers kung saan hindi pinapayagan ang pagtatayo ng mga istruktura. Umaasa ang kalihim na maililipat ng tirahan ang informal settlers, kung saan ang ilan sa kanila ay may iba pang lugar matitirahan sa El Nido. Una na ring naghain ang DENR-MIMAROPA ng notice to vacare sa 32 establisyimyento na nakatayo sa easement zone.Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.