Pahayag ni Duterte at PNP sa pagpapalakas ng Sparu ng NPA, walang batayan – CPP
Tila nagluluto na naman ng scenario si Pangulong Rodrigo Duterte para sa kanyang mala-diktador na paraan.
Ipinahayag ito ng Communist Party of the Philippines (PNP) kaugnay ng Sparu Unit ng New People’s Army (NPA).
Ayon sa CPP, walang batayan ang pinalulutang ni Duterte at Philippine National Police (PNP) chief Ronald dela Rosa na pinalalakas ng NPA Sparu ang kanilang operasyon.
Sinabi ng CPP na kahina-hinala ang plano ng PNP na magkaroon ng grupo ng mga subok nang retiradong pulis para magsanay ng mga pulis na sasabak sa operasyon kontra Sparu.
Inalala ng komunistang grupo ang naganap noong 1980s, kung kailan ginamit ng PNP at Armed Forces of the Philippines ang mga operasyon kontra Sparu para bumuo ng “secret marhsalls” na ginagamit laban sa aktibista na kadalasan ay nauwi umano sa summary executions.
Matatandaang binalaan ni Duterte ang mga sundalo ukol sa umano’y pagkabuhay ng Sparu unit ng NPA.
Sinabi rin ni Dela Rosa na pinalakas Sparu ang operasyon nito laban sa gobyerno makaraang ibasura ang usapang pangkapayapaan sa mga komunista.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.