Mangingisda, sinagip matapos 3 araw magpalutang-lutang sa West PH Sea

Courtesy: Wescom

Sinagip ng Philippine Navy ang isang mangingisda ng Rizal, Palawan na tatlong araw nagpalutang-lutang sa West Philippine Sea.

Ayon sa Western Command (Wescom) ng Armed Forces of the Philippines (AFP), namataan ng Navy si Albert Carcuevas, 20 taong gulang, sa bisinidad ng Dalagang Bukid Shoal noong Biyernes.

Nangingisda si Carcuevas nang nagka-problema ang kanyang bangka. Tatlong araw nagpalutang-lutang ang mangingisda nang walang kinakain at iniinom.

Ayon sa Wescom, si Carcuevas ay isinakay sa BRP Sierra Madre, ang barkong nagpapatrolya sa West Philippine Sea.

Nasa maayos na kalagayan na ang mangingisda. Tiniyak naman ng Wescom ang kaligtasan ni Carcuevas.

 

Read more...