433 katao arestado, P500k halaga ng shabu nasabat sa SACLEO ng Southern Police District

By Mark Makalalad, Rohanisa Abbas March 24, 2018 - 02:16 PM

PHOTO: PNP-SPD

Arestado ang 433 katao sa ikinasang Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operation (SACLEO) ng Southern Police District.

Kabilang sa mga natimbog ang Number 3 sa Top 10 most wanted persons sa Taguig City at ang Number 5 sa Top 10 most wanted persons naman sa Pateros.

Sa 433 inaresto, 51 ang may standing arrest warrant, at walo ang inaresto matapos isilbo ang search warrants laban sa kanila kaugnay ng iligal na droga.

Nasabat sa SACLEO ang higit P500,000 halaga ng 115 gramo ng shabu, kasama ang ilang drug paraphernalia. Nasamsam din ang 12 sachet ng hinihinalang marijuana.

Aabot naman sa 107 motorsiklo, kabilang ang tatlo tricycle ang kinumpiska dahil sa kawalan ng dokumento.

PHOTO: PNP-SPD

Nakuha rin ng pulisya ang 51 piraso ng live ammunitions, apat na armas at dalawang granada.

Nahaharap sa iba’t ibang paglabag sa batas at ordinansa ang higit 400 inaresto.

 

TAGS: anti-criminality, Illegal Drugs, police operations, SACLEO, Southern Police District, anti-criminality, Illegal Drugs, police operations, SACLEO, Southern Police District

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.