PNP, hindi magpapahinga sa anti-drug ops sa Semana Santa
Hindi magpapahinga ang Philippine National Police sa kanilang anti-drug operations.
Ayon kay PNP Chief Ronald Dela Rosa, kahit na Semana Santa ay magiging aktibo pa rin sila at manghuhuli ng mga personalidad na sangkot sa iligal na droga.
Binigyang diin niya rin na naka-full alert ang kanilang hanay at nagpapatrolya sa mga lugar kung saan nakakalat ang mga tao.
Ani Bato, lahat ng Drug Enforcement Unit ng mga police stations bansa ay nagmo-monitor at hindi lang mga tourist desinations at resorts ang kanilang binabantayan.
Tinututukan din daw nila ngayon ang bentahan ng ectasy at party drugs lalo na sa mga gimikan sa Bonifacio Global City (BGC) na talamak ngayong panahon ng bakasyon.
Bumalik na kasi aniya ang mga supplier ng nasabing mga illegal na droga kaya tiyak na marami na naman umano ang malululong dito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.