5 kabilang ang 1 pulis, sugatan sa kambal na pagsabog sa Maguindanao

By Rohanisa Abbas March 24, 2018 - 12:41 PM

Sugatan ang hindi bababa sa lima katao, kabilang ang isang pulis, sa hiwalay na pagsabog sa Upi, Maguindanao.

Ayon kay Senior Supt. Agustin Tello, Maguindanao police director, naganap ang unang pagsabog dakong alas-8:00 kagabi habang may naglalaro ng basketball.

Nangyari ito nang magkainitan ang mga magkakalabang manlalaro. Apat na tao ang nasugatan, kabilang ang isang manlalaro.

Ayon kay Tello, granada ang sumabog.

Rumesponde na ang mga tauhan ng Upi police, ngunit nang papalapit na sa basketball court ang patrol car, sumabog ang isa namang improvised explosive device (IED).

Kinilala ang pulis na nasugatan na si PO1 Marjun Lahaylahay na nagmamaneho ng patrol car.

Itinakbo naman sa ospital ang lahat ng biktima na nagtamo ng shrapnel wounds.

Naniniwala si Tello na ang pulisya ang target sa pagpaoasabog ng IED.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng mga otoridad sa insidente.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.