Mga pasahero, patuloy na dumarating sa Araneta Bus Terminal

By Mark Makalalad March 24, 2018 - 11:55 AM

Hindi pa siksikan ngunit patuloy ang pagdating ng mga pasahero sa Araneta Bus Terminal sa Cubao, Quezon City.

Ang ilan kasing mga pasahero, ayaw na makisabay sa bugso ng mga tao sa Myerkules na inaasahang ‘exodus’ ng mga uuwi sa probinsya.

Anila, mas mabuti na maaga at masamantala ang bakasyon.

Samantala, fully booked na ang ilang byahe na papuntang Bicol ng Elavil Bus mula March 27 at March 28.

Halos punuan na rin ang ilan sa mga bus na byaheng Antique at Iloilo.

Habang tuluy-tuloy naman ang bentahan ng mga ticket ng mga bus na may byaheng papuntang Samar, Masbate at Leyte.

 

TAGS: bus terminal, exodus, Holiday, Semana Santa, uwian, bus terminal, exodus, Holiday, Semana Santa, uwian

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.