Ito ang pahayag ni Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go sa kanyang napapabalitang pagtakbo sa Senado sa midterm elections.
Ayon kay Go, masaya siya na suportado siya ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagpasok sa pulitika pero wala pa umano rito ang tuon ng atensyon niya.
Sa ngayon, sinabi ni Go na maglilingkod muna siya kay Duterte at sa sambayanang Pilipino. Marami kasi siyang natutunan sa Pangulo na itinuturing nyang mahusay na adviser at mentor.
Nabatid na may mga taga-suporta ni Duterte ang nagtutulak kay Go na tumakbo sa Senado. Partikular na dito ang ‘Cebu is Go’ movement na sinimulan ni Presidential Assistant for the Visayas Michael Lloyd Dino.
Kahapon, sa ika-16 na anibersaryo ng Supreme Tribal Council for Peace and Development Inc. sa Davao City, nagbigay na ng ‘hint’ ang pangulo sa posibleng patkabo ni Go.
Ayon kay Duterte, matalinong tao si Go at magiging magaling na senador.