PDP Laban suportado ang Duterte-Cayetano tandem

Cayetano-Duterte
Rodrigo Duterte official FB Page

Nagpahiwatig na si Davao Cty Mayor Rodrigo Duterte na maari siyang tumakbong pangulo ng bansa para sa 2016 Elections.

Ayon kay Sen. Koko Kimentel na siya ring Chairman ng PDP Laban, mistulang lumambot na ang puso ng kanyang kapartido para pakinggan ang panawagan ng publiko.

Dagdag pa ni Pimentel, hindi pa man nagdedeklara si Duterte pero nakahanda na ang partido para suportahan ang kanyang kandidatura. Ipinaliwanag din ni Pimentel na nakatuon lamang ang kanilang pansin sa kasalukuyan sa Presidential elections.

Binigyang-diin ni Pimentel na good tandem kung matutuloy ang tambalang Duterte at Sen. Alan Peter Cayetano dahil parehong palaban at may plano para sa bayan ang dalawa.

Sa ngayon ay hinihintay na lamang ng Grupo ni Pimentel ang magiging tugon ni Duterte kung papaya ba ang Davao City Mayor na tumakbo para sa pinaka-mataas na pwesto sa gobyerno.

Pero paglilinaw ni Pimentel, hindi pa ito ang party stand ng PDP Laban dahil pagpupulungan pa nila kung sino ang kanilang mamanukin sa susunod na halalan sakaling hindi nga tumuloy sa Presidential election si Duterte.

Read more...