Chris Evans, posibleng hindi na muli gampanan ang role na Captain America

Posibleng huli na ang Avengers 4 na pelikula kung saan gaganap si Chris Evans bilang Captain America.

Sa isang panayam sa ‘The New York Times’, sinabi ng aktor na wala na syang plano na ituloy ang role bilang superhero.

Nais nya na kasing mag-Broadway at masubukan ang ibang karakter.

Nabatid na magde-debut bilang police officer sa Lobby Hero si Evans.

Ang susunod na sequel ng Avengers na pinamagatang Avengers: Infinity War ay nakatakdang ipalabas sa April 27.

Unang ginampanan ni Evans ang papel na Captain America noong 2011.

Read more...